Walang Kadala-dala by LIRIKHA
I.
Ilang beses ka na bang iniwan
Ilang beses ka na bang nasaktan
Ilang beses na ba at ilang beses pa ba kaya?
Palagi ka nalang naguguluhan
Palagi ka nalang nahihirapan
Ba’t di ka muna magisip-isip lang
Mag-isa’y dapat mong matutunan
Chorus:
Hindi ka dapat nagkakaganyan
sa dami nang iyong naransan
tignan mo ang bawat nadaanan
wala bang kada-dala, walang kadala-dala
II.
Ilang beses ka na bang umasa
Halos limutin mo na ang pagtawa
Ilang beses na ba?
at ilang beses pa ba kaya?
Palagi ka nalang naiisahan
alam ko na matalino ka naman
ba’t hindi ka muna magisip-isip lang
mag-isa’y dapat mong matutunan
Bridge:
Kung minsan ay naiinip ka
kaya kung saan napupunta
kailangan mo rin ng pahinga
Sarili mo muna bago ka magmahal ng iba
Lirikha
@ https://www.facebook.com/pages/Lirikha/594295424005596
Walang Kadala-dala by LIRIKHA
re: https://www.facebook.com/video.php?v=594299610671844