Events Manager › Forums › #ArtistsPH › TOTAL RECALL sa ADVENT CALL | Romy E Buen, Visual Storyteller.
- This topic has 2 replies, 1 voice, and was last updated 4 years, 5 months ago by BANDSTAND.
-
AuthorPosts
-
-
June 20, 2020 at 1:16 PM #28727BANDSTANDKeymaster
Romy E Buen
Visual Storyteller · Jingle Music Magazine
https://www.facebook.com/groups/289162216896/permalink/10158226808936897/TOTAL RECALL sa ADVENT CALL: Ganito ‘yan, noong dekada 80s, kaputukan ng punk at new wave sa pinoy music scene, isa sa mga local bands na nakilala at sumabak sa mainit na eksena, ang ADVENT CALL.
Si Reujen Lista, ang bumuo ng banda noong 1986, kasama niya sina VINCE GARAY (guitar), JAY ALVIAR (drums) at NORMAN BELARDO (bass), banatang progressive at mga classic rock, katulad ng RUSH ang kinakana ng grupo na nauwi sa new wave, umabot pa sa taong 1990 si REUJEN sa ADVENT CALL, bago siyang tuluyang bumitaw at lumipat sa banda ni ARNEL PINEDA na THE ZOO, nilisan naman ni ARNEL ang THE ZOO sa rock band na JOURNEY bilang bokalista nito etcetera,etcetera.
Pumalit ang energetic na punk rocker na si KARL ROY, na taga AQUINAS, related kay JUDGE ROY ng NEW MANILA, maliit, payat pero maliksi, malalim ang mata at laging naka-smile hehehe!
May trivia pa ako sa inyo, dahil pareho kami ng suki na barbero,minsan nagkagulatan pa kami at nakasabay kong mag-pagupit, kay ilokanong MANG BERT(sumalangit nawa) BARBERSHOP, sa N. DOMINGO ST., katabi ng SHELL GASOLINE STATION N.DOMINGO branch at LT.ARTIAGA ST.SAN JUAN. Nilalakad lang niya ito from NEW MANILA hanggang N. DOMINGO, SAN JUAN.
Sa kanya ko nakita ang salitang “LAGARE”, sa sobrang daming raket at tugtugan noong dekada 90s, kabila-kabilang out-of-town, bar hopping, madaling araw na biyahe, puyat, lasing at rock and roll, sa pamumuno ng kaniyang manager na si Nitto Palacios (drummer ng AUNT IRMA) Whew!
Naaalala ko pa noong ibigay nila ang kanilang demo tape sa DWLA 105.9 WORLD MUSIC RADIO, sa kanilang band interviews with DJ JINGO ZAPATA (Pocholo Concepcion), sa radio program na PINOY ROCK and RHYTHM parte ng promotion ng BISTRO SA AMORANTO concert, ang title ng ng kanta ang mainit-init na “PUTING ILAW” hindi ko yun malilimutan dahil sa akin ito inabot.
Sila rin ang local band na nag front-act (Razorback at Advent Call) kasama ang METALLICA sa ULTRA, PASIG 1993, natawa pa ako sa kanyang porma, dahil naka duster ito, naaksidente pa nung tumalon sa stage sa gitna ng slam-pit. Napilayan yata ito?, ganyan siya kakulit/energetic, mapasaya lang ang mga tao!
Sumabak na rin sa indie movie, kung napanood n’yo ang movie ng The Dawn, ”TULAD NG DATI” isa si KARL ROY, ang kalaban nila sa Battle of The Band, siya ang bokalista ng RATBU NI TATA hehehe!
Nawala rin siya sa ADVENT CALL, at sumanid sa bandang P.O.T. at KAPATID. Kasing bilis ng panahon ang paglisang niya sa eksena, dahil hindi na si KARL ROY ang narinig ko sa RJ-TV 29, sa kanilang ROCK VAULT PINOY ROCK CLASSIC VIDEO, kundi si BASHA AGUILAR (sa porma na ala PEPE SMITH) na anak ni Delilah Aguilar na butihing partner ni DZRJ ROCKJOCK HOWLIN DAVE (RIP), salamat at narinig muli ang “PUTING ILAW” ng ADVENT CALL.
-
June 20, 2020 at 1:51 PM #28734BANDSTANDKeymaster
-
June 20, 2020 at 2:35 PM #28737BANDSTANDKeymaster
« #ArtistsPH » TOTAL RECALL sa ADVENT CALL | Romy E Buen, Visual Storyteller. https://t.co/ZYEoMM2n86 via @BANDSCAPES @polcalinawan
— BANDSCAPES (@BANDSCAPES) June 20, 2020
-
-
AuthorPosts
- You must be logged in to reply to this topic.