GREYHOUNDZ – XXV

Featured Video Play Icon

Events Manager Forums ROCKRADIO a/v/p GREYHOUNDZ – XXV

Viewing 3 reply threads
  • Author
    Posts
    • #31710
      polcalinawan
      Keymaster
      • #31713
        polcalinawan
        Keymaster

          Premiered Mar 18, 2023
          The official music video for “XXV” by Greyhoundz featuring Gloc-9, released March 18, 2023 under Tower of Doom Music.

          Check out Greyhoundz’s Facebook page and get the latest updates on her latest releases!

          Credits:
          Artist: Greyhoundz feat. Gloc-9
          Reg Rubio
          Nino Avenido
          Audz Avenido
          TJ Brillantes
          Production: Mad Monkey Production
          Written By: Reg Rubio
          Director of Photography: Dino Placino
          Edited by: Kevin Saulo
          VFX by: Berto Abenido
          Color grading: Owen Berico
          Production Designer: Emmanuel Calixto
          Production Manager: Itoy Pangilinan
          Assistant Director: Fritzie Kabigting
          Produced by: Nia Laureano
          Special mention: Jeff Keenan, Joseph Maquirang, Tim Tupa
          Make-up by: Erica Racella
          Costume Design: Justin Agullo
          Production Staff: Kirby Tandoc, RJ Kaoili
          Camera crew: Tito Raj Marsigan, Randy Custodio, Shin Cruz
          Behind the scene: Nikolai Agulto, Renz Del Rosario
          Directed by: Niko Ignacio
          Special Thanks to: Numinous PH, Tribal Gear PH, The Lower Left Manila, Tower of Doom

          Audio Recorded at Tower Of Doom Studios
          Recorded, Mixed, Mastered by Symoun Durias of Tower Of Doom

          https://www.facebook.com/greyhoundzgang
          https://www.facebook.com/glocdash9
          https://www.facebook.com/towerofdoommusic
          https://www.facebook.com/towerofdoom
          https://www.towerofdoom.net

          LYRICS:
          Simulan natin ang bente sinko…

          VERSE 1
          Hawak ko nung ako’y nangarap
          Mga kapatid na aso ako’y niyakap
          Nilawayan upang di na bumuka ang tarak
          At humarang sa mga ayaw na mag paawat

          Binuksan ang pintuan ng tahanan nila’t ako’y pinatuloy
          Maginaw, sinindihan ang apoy
          Walang taguan ng baraha mag laro man ng pusoy
          Maluwag ang huminga kahit na ano pang amoy

          Kilala namin ang isa’t-isa
          Kahit na kapaligira’y mag iba
          Buo’t barya, lagi kaming may paninda
          Sagot kita ano man ang tanong nila

          Alisin na sa usapan ang korona at trono
          Isa lang ang may karapatan ayoko
          Kahit kung minsan ako ay tila ba wala sa tono
          Aawit parin kapag pinasabay sa koro ng todo

          CHORUS 1
          Pumalag sa agos
          Kami nakatawid
          Sumabay sa alon
          Kami ang nanaig
          Pumalag sa hamon
          Sayo na ang sukli
          Hindi napagod
          Kaya kami nakarating

          Para bang sumakay ka sa tangke…

          VERSE 2
          Sinargo ang parada,
          palaruan, inangkin
          Walang babala
          sa delubyong dumating
          Namulat ang madla
          sa talas ng patalim
          Nagliyab ang entablado
          Alam mo sino nagsindi

          Ginawang araw ang gabi
          Mga pagkakataon ay pinagtahi-tahi
          Dugo’t pawis ang alay
          kada ambag, kada tari
          Buwis buhay kada lapag
          kada lagari

          Gera kung gera
          san man ang pwesto
          Asahang dala namin
          Ang krudo para sa puso
          Taas bandera
          Taas kamao
          Sabay natin buhatin ang bigat ng mundo

          Sumuntok sa buwan at naging tala si juan
          Salamat kay Bathala siyang bahala, siya nawa
          Nobentay syete hanggang kasalukuyan
          Kami ang bakal at apoy na walang kamatayan

          CHORUS 1
          Pumalag sa agos
          Kami nakatawid
          Sumabay sa alon
          Kami ang nanaig
          Pumalag sa hamon
          Sayo na ang sukli
          Hindi napagod
          Kaya kami nakarating

          CHORUS 2
          Parang baga na hinipan siguradong aapoy di mahina
          Hinagisan pa ng mga sinulatang pahina
          Kapag tumatagal umiinit ang makina
          Sinasakal di mapipigil ang pag hinga
          Akin na

          BRIDGE 1
          Laging lagyan ng laman ang balde
          Di nababasa kahit na umangge
          Kulang ang sabi sabi kapag kami pinagtabi
          Darating agad agad, lalapag araw o gabi
          Tila musika sa tenga
          Parang kamot sa kati
          Ako ay tagahanga na pinagpala
          Nakamit ang pangarap na walang daya
          Di mahirap samin ang magpaubaya
          Bitawan ang galit upang tayo’y lumaya

          BRIDGE 2
          Kahit sa malayo ang sadya
          Hindi nanghina ang pagpadyak
          Kahit na sa laot inulan
          Tuloy tuloy lang ang pagsagwan
          Kahit na matayog ang lipad
          Mga paay sa lupa naglalakad
          Laging uhaw sa pakikipagdigma
          Kaluluway busog na busog sa biyaya

          CHORUS 1
          Pumalag sa agos
          Kami nakatawid
          Sumabay sa alon
          Kami ang nanaig
          Pumalag sa hamon
          Sayo na ang sukli
          Hindi napagod
          Kaya kami nakarating

          CHORUS 2
          Parang baga na hinipan siguradong aapoy di mahina
          Hinagisan pa ng mga sinulatang pahina
          Kapag tumatagal umiinit ang makina
          Sinasakal di mapipigil ang pag hinga
          Akin na

        • #31714
          polcalinawan
          Keymaster

          • #31722
            polcalinawan
            Keymaster
          Viewing 3 reply threads
          • You must be logged in to reply to this topic.